happy times!!!..thanks pips!!
Tuesday, August 22nd, 2006grabe ang saya-saya ng buhay…kahit sobrang dami ng mga ginagawa at mga mumunting problemang dumarating..nagagawa ko pa ring tumawa sa bawat oras at araw na ginawa ng Poong Maykapal…Maraming pagbabagong dapat harapin at bigyan ng pansin..mga pagbabagong nagbubukas sa aking isipan at sa aking katauhan…salamat na lamang at kinakaya ko ito kahit malayo sa aking pamilya…marahil ito ay dahil sa aking mga kaibigang palaging nakaagapay sa aking mga galaw…maraming salamat sa inyo!!!…grabe..nararamdaman kong nagbago na nga ako…hindi na ako katulad ng dati na takot magbigay ng pagmamahal sa mga kaibigan ng buong-buo…hindi na rin ako katulad ng dati ng hindi nakasanayang magpahayag ng nararamdaman…para sa aking mga kapamilya at mga kaibigan…tatandaan nyo po palaging mahal na mahal ko kayo…minsan ko lang itong masabi pero..maniwala sana kayong totoo yun sa kalooban ko…Salamat sa pagbibigay kasiyahan at kulay sa aking buhay at pamamalagi sa mundong ito!!!!…God bless us all!!!